AI can get you HIRED or FIRED

Here are 7 tips & insights to help you adapt

Sari Sari Stories Thumbnail

Your trusted Filipino source for AI news and tips.

Creative roles are facing a lot of pressure lately dahil mas priority na ng companies ang ChatGPT over human output. I understand the business decision kasi imagine — yung kayang gawin ng tao in a few hours, kayang gawin ni ChatGPT in just a few minutes, seconds pa nga minsan.

If you have fears, anxiety, FOMO dahil sa AI, don’t worry suki! Ita-tackle natin lahat yan para matutunan mong gawing advantage ang AI at hindi handicap.

🥳 HETO ANG SMART CHIKKAS FOR THIS WEEK:

🗂️ 3 AI Tools para mas maging productive ka

🤖 2 ways para ma-master mo ang ChatGPT

🧠 1 Insight: ChatGPT na ang pinaka in-demand na job skill ngayon

🧘🏻‍♀️ AI helps detect pancreatic cancer

🎥 Show recommendation para makapagrelax ka sa weekend

  SUKI PICKS Top recommendations to help you live a smarter life

🗂️ 3 AI tools para mas maging productive ka

Madali lang gamitin ang lahat ng ito at higit sa lahat —LIBRE.

  1. Semantic Scholar: Kung free scientific literature na pang-research ang hanap mo, try this.

  2. Kroma AI: Kailangan mo bang gumawa ng mga impressive na presentation, charts, at graphs within seconds? Heto na ang tool na para sa’yo.

  3. Literally Anything: Gusto mo’ng gumawa ng apps, games, at widgets pero hindi mo pa alam paano mag-code? Wag kang mag-alala, dito pwede ka nang mag text inputs lang diretso sa browser.

🤖 2 ways para ma-master mo ang ChatGPT

Ang ChatGPT ay isang AI chatbot na kayang sumagot ng kahit anong tanong o ipagawa mo, pwede mo itong ma-access dito ng libre.

  1. Alamin ang basics in 8 mins at matuto kung bakit kritikal para sa’yong future ang Artificial Intelligence.

  2. Subukan ang mga prewritten prompts. Instant copy-paste lang ang mga ito diretso sa ChatGPT para maka-save ka ng oras.

💡 BONUS SMART CHIKKA Insights from Tita Sissy

ChatGPT can be anyone you want it to be

Chef, tour guide, writer, programmer, etc. Pwede mo siyang hubugin sa kung ano mang paraan mo gusto. Pwede mo siyang turuan kung:

Sino ba siya dapat + Anong dapat niyang gawin + Anong format ng text + Anong goal ng prompt + Isama mo na rin mga importanteng data mo dito + Anong tone of voice niya + Kung sinong target audience mo.

For example:
“Take on the persona of [Expert Persona] [Verb] [Format and Length][Objective]. The output should include relevant [Data]. The writing style is [Tone of Voice] targeted towards [Audience]

Actual sample:

Take on the persona of a successful career coach, develop an outline for a 60 minute webinar on how to find clients for freelancers. The output should include step by step instructions in bullet point format, the writing style is inspirational targeted towards the newbie freelancers.

By the way, nakakaintindi rin ng Tagalog si ChatGPT ha. Kaya wag mag-atubiling kausapin siya sa sarili nating wika.

🧠 1 Insight: Alam mo ba? ChatGPT na ang pinaka in-demand na job skill ngayon

90% ng US business leaders ang nagsasabing good skill to have ang ChatGPT

➡️ Right now, may 314 remote job openings na nirerequire ang “AI”.

Kung nais mo matuto sa paggamit ng AI at ChatGPT, narito ang ilang courses para sa iyo. Don’t worry lahat ito ay libre, kaya enroll na! Papahuli ka ba?

 📖 University of South Florida 
💻 Coursera
 ✨ at iba pang online learning platforms

🙋🏻‍♀️ PULSO NG ‘MOSA Smart chismosa, that’s right. That’s us.

Since nagamit ko na ang AI to increase my productivity, isasara ko na muna ang shop natin ha para makapagfocus sa improvement ng aking mind, body, and soul. Syempre dapat well-rounded tayo diba?

Pero share ko na rin sa baba yung mga nasagap kong info baka makatulong din sa’yo. 😉 See you next Thursday!

— Tita Sissy (@NotTitaSissy)

P.S.
Anong tingin mo sa newsletter natin this week? I’d love to know if aligned ba itong content natin sa mga ineexpect mo. Kung may feedback ka, or suggestion, don’t be shy to reply to this email and tell me what you’d like to see more of.

Maraming salamat!

🧘🏻‍♀️ SUKI HACK To help you improve your mind, body, and soul.

Study finds AI performance comparable to that of radiologists para madetect ang pancreatic cancer

😇 FAVE SUKI OF THE WEEK Inspiring suki(s) making an impact in the community

Shoutout kay Jam Zulueta, spilling truths about adulting in the Philippines! Dito sa Asia, common na sa atin na kahit na 30s or 40s ka na ay nakikitira ka pa sa magulang mo. Pero kung nag-iisip ka nang bumukod at tumayo sa sarili mong mga paa kasi siyempre strong independent person ka na, watch this.

🎥 SHOW RECOMMENDATION Heads up, weekend na!

Imagine a future where humans live together with AI robots na ginawa with the intention to fight humanity’s deepest darkest desires, like for example — pedophilia. This is what the movie The Artifice Girl is all about.

I admit, a future like this is both scary and exciting. Watch niyo daliiii, then chikka niyo ko sa Twitter ng thoughts niyo.

📸 AI GENERATED IMAGE OF THE WEEK

Tinry ko gumawa ng image sa Memorable.io using the prompt: Elon Musk fixing a Starlink disk on a roof in Cavite, Philippines. What do you think? Pwede na si Elon mag-install sa bubong namin no?

LF: CHISMOSA Yung kayang ipagkalat ang SARI-SARI STORIES.

Share this newsletter sa buong barangay para mas marami ang matuto, hindi matakot, sa AI.

Visit referral hub para malaman kung may mga na-refer ka na at kung isa ka nang certified chismosa tulad ko.