AI cured paralysis

Ang himala ay nasa AI (nating lahat) ❤️

Sari Sari Stories Thumbnail

Your trusted Filipino source for AI news, prompts, and tips.

Welcome back, Suki!

After discussing the potential domination of AI last week, let's dive into the incredible power of AI to make miracles happen.

Naaalala mo ba kung paano tayo namangha sa pelikulang 'Himala' noong 1982?

“Walang himala!! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat!”

Sino ba namang hindi nakakaalam ng movie na ito e tuwing Holy Week pinapalabas ito sa local channels? 🤣

Tara, ishe-share ko sa’yo ang isang kahanga-hangang kwento sa tunay na buhay na katulad ng mga himalang iyon.

Tulad ng sa pelikula, kung saan nagawa ni Elsa (played by Nora Aunor) ang mga himalang pagpapagaling, may amazing power din ang AI na gawing reality ang mga himalang tulad nito.

Halina’t magtravel tayo sa Switzerland for a mind-blowing success story.

Gert-Jan Oskam, who has been in a wheelchair since 2011, was given a chance to walk again, salamat sa AI!

Ayos diba? Life imitates art.

Nakaimbento ang scientists ng isang "digital bridge" na nag-uugnay sa utak ni Oskam sa kanyang spinal cord, bypassing damaged areas kaya naman nakaya niyang makalakad nang muli.

Ang mas cool pa, nagawa ni Oskam na maglakad kahit wala yung devices!

Baka ito na nga ang sikreto hindi lang for assistive movement, kundi pati na rin pagsimulan ang self healing abilities natin? Parang binibigyan nito ang bodies natin ng turbo boost papunta sa healing and walking success eh, diba?

If ever… WOW! Sobrang exciting talaga mabuhay sa mundo na may AI ano?

🥳 HETO ANG SMART CHIKKAS FOR THIS WEEK:

🗂️ 3 AI Tools para mas maging productive ka

🤖 2 AI news you can’t miss!

🧠 1 Prompt: Enhancing patient experience through telemedicine

🧘🏻‍♀️ Finding the Right Balance: Healthcare Privacy and AI

🎥 Show recommendation para makapagrelax ka sa weekend

  SUKI PICKS Top recommendations to help you live a smarter life

🗂️ 3 AI Tools para mas maging productive ka

Gumawa ng mala-himalang outputs using these tools:

  1. HealthGPT - no-cost AI tool designed para baguhin ang healthcare sector. Ang primary goal niya is to provide tailored health information and assistance to both individuals and healthcare practitioners.

  2. KinesteX - this tool lets you conveniently exercise at home, utilizing AI-led physiotherapy and wellness programs.

  3. Glass.health - Perfect ito for medical professionals dahil isa siyang robust knowledge management system driven by AI for learning, organizing, and curating.

🤖 2 Latest chikka sa mundo ng AI

Take a guess kung ano ang mas mainit pa sa mainit na kape?

  1.  Isang 18-year-old student, nagawang magdevelop ng app na tinatawag na "Translata" gamit ang ChatGPT. Kaya nitong magtranslate ng Filipino, English, pati na rin ang Jejemon at Bekimon! Ayos, pwede nang itranslate ang mga beki language hahaha!

📸 Google images

  1. Aboitiz, LBC, and Unionbank, nag join forces para suportahan ang paglago ng negosyo ng online sellers gamit ang AI.

🧠 1 Prompt: Enhancing patient experience through telemedicine

Telemedicine has gained popularity due to its convenience lalo na nung nagkapandemic, pero may kaakibat din itong challenges para sa mga pasyente.

Kabilang na rito ang limited physical examination, technical issues, lack of personal connection, and concerns about privacy and security.

Kung may kakilala kang nasa healthcare, ipasa mo sa kanila itong prompt na’to para tulungang maimprove ang patient experience nila, Suki!

Prompt 1: "Describe 3 ways to improve patient experience and satisfaction with telemedicine services for [medical condition]. For each way, provide a brief explanation of its potential benefits, within 200 words."

Prompt 2: "Identify 3 potential barriers to successful telemedicine implementation for patients with [medical condition]. Provide a brief analysis of each barrier, limited to 150 words."

Prompt 3: "Suggest 3 initiatives to promote patient engagement and communication through telemedicine services for individuals with [medical condition]. Develop a concise explanation for each initiative, within 100 words."

Want to get The Only ChatGPT Prompts Guide You’ll Ever Need?

We got you!

Mag refer ka lang sa newsletter natin ng at least 1 friend (using this special link) and I’ll send over the guide (once they confirm).

Tip: Ask your friends to enter their email and then click “confirm subscription” sa inbox nila. Kapag di nila cnlick, hindi siya magwwork eh. Salamat!

🙋🏻‍♀️ PULSO NG ‘MOSA Smart chismosa, that’s right. That’s us.

Guess what? World leaders are jumping on the AI bandwagon, and we've got proof! Last week, Danish PM Mette Frederiksen delivered a speech using ChatGPT to highlight the revolutionary aspects and risks of AI.

And here's some exciting news: a Pinoy recently scored a gig as an AI Content Strategist. How cool is that?

May kilala ka bang takot pa rin sa possibilities ng AI? Send mo itong newsletter natin sa kanya ha, para sabay-sabay tayong mag-adapt!

By the way, what have you been up to lately, Suki? I’d love to hear from you.

Oh, and stay tuned because I'll be sharing some recent lifestyle discoveries later in this section. See you again next Thursday!

— Tita Sissy (@NotTitaSissy)

P.S.
Suki, ikaw naman ang magchikka sakin kung anong tingin mo sa newsletter natin this week? Don’t be shy to reply to this email for any feedback or suggestion ha? Dito, chikka is always welcome!

Maraming salamat!

🧘🏻‍♀️ SUKI HACK To help you improve your mind, body, and soul.

Finding the Right Balance: Healthcare Privacy and AI

😇 FAVE SUKI OF THE WEEK Inspiring suki(s) making an impact in the community

Embrace the AI revolution, Suki!

This Cebu-based software CEO is all about being a better developer and creator with the help of AI. Mga call center agents, handa na ba kayo? AI's here to supercharge your job and level up those businesses!

🎥 SHOW RECOMMENDATION Heads up, weekend na!

For this week, hindi muna movie or show ang irerecommend ko ha?

Here’s a blast from the past: 5 years ago, OpenAI, the company behind ChatGPT, created a bot na nakatalo sa mga Dota2 professional players. Watch niyo Suki kasi it’s both amazing and funny! Confident pa silang walang panama yung bot sa kanila pero nahirapan din sila. Hehe.

📸 AI GENERATED IMAGE OF THE WEEK