- Sari-Sari Stories
- Posts
- AI's Rise & The Urgent Need for Education: What will be the future of the Philippines?
AI's Rise & The Urgent Need for Education: What will be the future of the Philippines?
The Sari-Sari Stories Issue #9
New Arrival sa Ating Tindahan, mga Suki!
Mga suki, kumusta na kayo?
Eto si Tita Sissy, balik ulit para sa mga bagong chika at updates sa mundo ng AI!
Alam niyo naman, laging updated si Tita para sa inyo. š
Na-miss niyo ba ako? Ako, super na-miss ko kayo!
Kaya heto, may dala akong bagong items at balita na tiyak magugustuhan niyo.
Handa na ba kayo? Tara at simulan natin!
šFRESH ITEMS SA SARI-SARI STORIES
š»3 Discounted AI Tools: To supercharge your productivity as a freelancer and student.
š° 2 New in Stock AI-related news: Hot and fresh from the world of AI.
š Buy One, Take One Info and Guide: To help you navigate the world of AI.
š» 3 Discounted AI Tools: To supercharge your productivity as a freelancer and student
1. Newbies Section
Sabi nga nila you canāt expect to understand and master something if you donāt know its basics yet. Start learning your ABCās suki when it comes to artficial intelligene by diving into this article.
Oh basahin mo nang mabuti ah may quiz tayo mamaya! š
2. Student Section
Laking Encarta Kids, Wiki at Encyclopedia ka rin ba tulad ko?(wag ka consistent honor student to ano š) Well this AI tool will take you back to those childhood memories except that it is 10x a lot better than those 3 combine.
Learn anything, ask any questions and get instant answers with the help of AI. Try mo to para with highest honor ka na this year lol. š¤
3. Freelancer Section
Freelancer ka ba and nahihirapang pagsabayin ang different task or projects with your clients? Wag mag-complicate, go Simplified! This AI tool is all-in-one na, AI pa! š
Wala ka nang hahanapin lahat kaya nitong gawin, taray di ba? Try mo na!
š° 2 New in Stock AI-related news: Hot and fresh from the world of AI
Source: Nikkei Asia
Para sa nagbabagang balita ngayong linggo, nagbabalik si Tita Sissy š
AI, Talent Shortage Pose Threats to Philippine Call Centers
Dahil sa bumababang talento at tumitinding kompetisyon, pati na rin sa mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence, mas lalo tumitindi ang banta para sa BPO workers and companies to exist in the future.
Yes, hindi lang because of AI kundi dahil konti lang rin ang graduates na may tamang communication at technical skills, kaya baka mawalan tayo ng chance na magdagdag ng 800,000 trabaho sa susunod na limang taon. Isa lang sa bawat 10 BPO applicants ang natatanggap, at ang pagtaas ng trabaho noong pandemic, mas mababa pa sa global trend.
Kaya if magpatuloy ito at hindi magawan ng solution (wag naman sana) malaki ang tyansa na I adopt ng BPO companies ang AI to reduce cost and maintain the competence, effectiveness and efficiency ng kanilang operations.
More info hereā¦
Next interesting chikka?
Vatican announces that artificial intelligence will be theme of next World Day of Peace
Inanunsyo ng Vatican na ang tema ng taunang peace message ni Pope Francis para sa 2024 ay tungkol sa artificial intelligence (AI). Ang Vatican's Dicastery for Promoting Integral Human Development ay nanawagan para sa etikal na pagninilay upang gabayan ang pag-develop at paggamit ng AI sa isang responsable na paraan.
Binigyang-diin din ng Vatican ang kahalagahan ng pagiging alerto upang siguruhing ang teknolohikal na pag-unlad ay makatulong sa pag-promote ng katarungan at kapayapaan sa mundo. Ayon sa pahayag, ang AI technologies ay may mabilis na tumataas na epekto sa human activity, personal at social life, politika, at ekonomiya na dapat bigyang pansin ng mabuti.
More info hereā¦
š Buy One, Take One Info and Guide: To help you navigate the world of AI
Last week, we talked about that AI will only be a threat to you and to your job if only you donāt know how to take advantage of it. Nakita mo na ba? Kung hindi pa, check it out here, suki!
Today, Iāll be sharing with you my thought on how the lack of education, skills and decline in comprehension of Filipinos will be a significant threat to us in the future.
You see, yes weāre in the third world country but hindi dapat yung maging rason para manatiling okay at kontento nalang sa kung paano tumatakbo ang buhay at paano tayo umunlad bilang isang bansa at mamamayan nito.
Sa aking pananaw, marami sa ating mga kababayan ang hindi nakakakuha ng tamang edukasyon at training, kaya't nahuhuli tayo sa global competition. Madalas, ang mga Pinoy ay kilala sa ating adaptability at natural na talento, pero kung wala tayong sapat na kaalaman at skills, paano tayo makakasabay sa ibang bansa?
Ang mabilis na pagbabago sa teknolohiya at ekonomiya ay nangangailangan ng mas mataas na level ng edukasyon at comprehension. Kung hindi natin ito bibigyang pansin, baka sa hinaharap, mawalan tayo ng maraming opportunities at maging dependent sa ibang bansa.
Kailangan nating mag-invest sa edukasyon at training para sa mga kabataan, at siguruhing may access sila sa mga resources at opportunities. Hindi lang ito para sa kanilang kinabukasan, kundi para na rin sa kinabukasan ng buong Pilipinas.
Oh siya yan lang muna, baka mapagkamalan niyo pa akong si Dr Jose Rizal šā¦Next week ulit baka maabutan ako ng mga guwardiyang sibil at isiping nag fafacebook na naman ako maghapon lol.
And hey, don't forget to follow us on our social media channels for more AI news, tips, and updates.
Like our Facebook page, follow us on Twitter and Instagram. Your support means the world to us and helps us continue our mission.
Salamat sa inyong walang sawang suporta, mga suki! Mwah!
ā Tita Sissy (@NotTitaSissy)
Want to get The Only ChatGPT Prompts Guide Youāll Ever Need?
We got you!
Mag refer ka lang sa newsletter natin ng at least 1 friend (using this special link) and Iāll send over the guide (once they confirm).
Tip: Ask your friends to enter their email and then click āconfirm subscriptionā sa inbox nila. Kapag di nila cnlick, hindi siya magwwork eh. Salamat!