- Sari-Sari Stories
- Posts
- Wait, AI Can Do WHAT Now in PH Schools??
Wait, AI Can Do WHAT Now in PH Schools??
The Sari-Sari Stories Issue #12
New Arrival sa Ating Tindahan, mga Suki!
Mga suki, kamusta na? 🌞
Naalala nyo pa ba yung panahon na ang bawat guro natin ay may kanya-kanyang kwento, damdamin, at pangarap para sa atin?
Sa pagbilis ng teknolohiya, ano kaya kung sa susunod, ang magiging guro natin ay hindi na tao, kundi AI? Ano kung ang magtuturo sa atin ay walang tunay na damdamin, at programado lang?
Exciting ba o medyo nakakakaba? Makakafeel kaya tayo ng same connection sa isang AI teacher na walang emotions? O baka mas mabilis tayong matuto dahil sa precision ng AI?
Sa issue na 'to, tatalakayin natin ang mga tanong na 'yan at marami pang iba.
Tara, simulan na natin! 🚀
🍎FRESH ITEMS SA SARI-SARI STORIES
💻3 Discounted AI Tools: To supercharge your productivity as a freelancer and student.
📰 2 New in Stock AI-related news: Hot and fresh from the world of AI.
📚 Buy One, Take One Info and Guide: To help you navigate the world of AI.
💻 3 Discounted AI Tools: To supercharge your productivity as a freelancer and student
1. Newbies Section
Suki, Last week I shared to you a new AI tool called Midjourney, today let me introduce to you sa bagong AI chatbot na mas magaling pa raw kay ChatGPT
Meet Claude AI! Marami siyang features na wala kay ChatGPT, pwede kang mag-upload ng files at mas marami rin ang capacity sa words nito kumpara kay ChatGPT and balita ko mas bright daw siya ng konti.😂
Oh diba bongga!😂 i- try mo na dali!
2. Student Section
Nahihirapan ka ba sa paghahanap ng RRL para sayong research or thesis? May solusyon ako para sa inyo! Ang Semantic Scholar ay isang AI-powered tool na tutulong sa'yo para mahanap ang mga research na kailangan mo.
Sa tulong nito, mas madali nang maghanap ng relevant na research papers from all fields of science. Plus, may features pa sila like the Semantic Reader na nagbibigay ng richer context sa mga binabasa mo.
So, kung gusto mong level up ang research game mo, subukan mo ang AI tool na to. 😉
3. Freelancer Section
Para sa mga suki nating freelancers na hilig mag upskill at manood ng YT tutorials, ayaw mo ba maubos oras mo manood ng buong video sa Youtube para malaman lang important details at information na nilalaman nito😑?
wellx3....I gotchu🫡. Eightify AI will solved your problem by just copying link then paste siya na bahala i-summarize lahat ng details sa video😮. Wala ng marami pang chikahan😂.
Taray di ba?
📰 2 New in Stock AI-related news: Hot and fresh from the world of AI
Narito na ang mga pinakabagong AI-related news na dapat ninyong malaman ngayong linggo! 😊
Japanese AI firm partners with Laguna schfor tech showcase
Exciting and a little scary news mga suki! Isang Japan-based AI firm named Rinna ang nakipagpartner sa isang school dito sa Pilipinas para ipakita ang kanilang AI technology.Ang Rinna AI, kilala sa pag-develop ng AI-powered video avatars na parang tunay na tao kung magsalita sa iba't-ibang wika has partnered with Colegio de San Juan de Letran sa Calamba, Laguna to use its avatar technology in an educational setting. 🤖
Pero hindi lang sa edukasyon nagtatapos ang plano ng Rinna. Ayon kay Alex Lagata, ang Global Business Director ng Rinna, plano nila na mas gawin pa itong interactive.
Naghahanap din sila ng business partners dito sa bansa dahil gusto nilang mag expand at magamit ang kanilang video avatar tech sa marketing, online sales, at kahit sa human resources.Exciting and bit scary'di ba? Imagine, mga avatars na parang totoong tao ang makakasama natin sa pag-aaral😮😮😮!
More info here…
Thank you, next?
Mga suki! Alam nyo ba na maraming Pinoy ang nagtatrabaho online para sa isang malaking AI company sa US? Sa Cagayan de Oro, libo-libong workers ang naglalaan ng oras sa pag-label ng data para sa AI models. Ang company na ito ay ang Scale AI na may platform na Remotasks kung saan ka pwede mag apply.
Pero teka, may issue! Ayon sa Washington Post, marami sa mga workers o "taskers" ay hindi nababayaran ng maayos. May mga oras na delayed, reduced, o kahit hindi na binabayaran ang kanilang sahod. At ang masaklap, kapag nagreklamo ka, pwede kang ma-deactivate sa platform.
Nakakalungkot… 😥
Paano ba dapat protektahan ang ating mga kababayan sa ganitong sitwasyon?
More info here…
📚 Buy One, Take One Info and Guide: To help you navigate the world of AI
Last week, I told you guys to don’t always trust what you hear and see. Nakita mo na ba? Kung hindi pa, check it out here, suki!
Mga suki, sa pag-usbong ng AI-powered video avatars sa edukasyon, tulad ng partnership ng Japan-based AI firm sa isang paaralan sa Pilipinas, tayo ay humaharap sa isang bagong yugto ng pagtuturo at pag-aaral. Ngunit, sa bawat pag-unlad, may kaakibat na hamon at responsibilidad.
Ang mga AI avatars ay may potensyal na magdala ng mas personal at interactive na karanasan sa pag-aaral. Maari itong maging isang makabagong paraan upang mas mapalapit ang mga estudyante sa kanilang mga aralin, lalo na sa mga sitwasyon kung saan ang personal na interaksyon ay limitado. Ngunit, sa kabila ng mga benepisyo, may mga alalahanin din tayong dapat isaalang-alang.
Paano kung ang mga AI avatars ay maging sanhi ng pagkawala ng personal na koneksyon sa pagitan ng guro at estudyante? Sa isang mundo kung saan ang teknolohiya ay patuloy na umuusbong, maaari bang mawala ang tunay na esensya ng pagtuturo at pagkatuto? 🤔 At higit pa rito, paano kung ang mga avatars ay magamit upang manipulahin ang mga impormasyon o maging sanhi ng maling interpretasyon sa mga aralin?
Sa kabilang banda, ang isyu ng labor sa AI sector, tulad ng sa mga Pinoy na nagtatrabaho para sa isang AI company sa US, ay nagpapakita ng isang mas malalim na problema.
Habang tayo ay nag-eenjoy sa mga benepisyo ng teknolohiya, dapat ba nating isantabi ang karapatan at kagalingan ng mga taong nagbibigay buhay dito? 😮💨
Oh siya hanggang dito nalang muna, see you next week ulit suki! 👋 I hope nagustuhan mo ang AI- chika ko for today.
And hey, don't forget to follow us on our social media channels for more AI news, tips, and updates.
Like our Facebook page, follow us on Twitter and Instagram. Your support means the world to us and helps us continue our mission.
Salamat sa inyong walang sawang suporta, mga suki! Mwah!
— Tita Sissy (@NotTitaSissy)
Want to get The Only ChatGPT Prompts Guide You’ll Ever Need?
We got you!
Mag refer ka lang sa newsletter natin ng at least 1 friend (using this special link) and I’ll send over the guide (once they confirm).
Tip: Ask your friends to enter their email and then click “confirm subscription” sa inbox nila. Kapag di nila cnlick, hindi siya magwwork eh. Salamat!