ChatGPT got served…

OpenAI receives its first-ever defamation case

Sari Sari Stories Banner

Welcome back, Suki!

Nakakaloka! Nabalitaan mo ba?!

ChatGPT has made its way into the headlines!

It's been quite a journey, from awe-inspiring breakthrough to an unexpected lawsuit. Hindi maikakailang AI ang hot topic ngayon sa iba’t-ibang industry.

Kamakailan lang ay sinampahan ng kaso ang OpenAI, the company behind ChatGPT, dahil sa diumano’y “hallucinations” nito tungkol sa isang lalaking taga-Georgia na inaakusahang nandaya at nagnakaw daw ng pera.

Si Mark Walters, isang radio host, alleges ChatGPT provided details of a fake complaint to a journalist who had sought details tungkol sa isang tunay at ongoing na kaso.

Seems like ChatGPT could use a strong cup of coffee to clear its virtual head!

Apparently, aksidenteng napaghalo ni ChatGPT yung real case against Washington Attorney General Bob Ferguson with Mark Walters' situation. Oops!

Cue in: Si Mark tahimik lang. Char! Ibang Mark pala yun 😆 📸: Mark Villar Youtube

Last month lang matatandaang nareprimand ang isang Manhattan lawyer dahil gumamit siya ng ChatGPT para sa legal brief. Kaso nakalimutan niya mag-verify. Apparently, “hallucinations” din ni ChatGPT yung mga kaso na na-cite niya so…

YIKES!

We’re still too early pa talaga in the adoption curve. Marami pang pwedeng mangyari.

Malaki ang magiging impact ng AI technology sa society kaya importanteng unawain ang capabilities and limitations nito. Recent legal actions and ethical concerns have drawn attention to the reliability and accountability of AI algorithms. Importanteng maging updated tayo palagi sa evolution ng AI and the legal implications involved.

Kapag naging aware tayo sa impacts ng AI, mas makakagawa tayo ng informed choices, at mas mauunawaan natin ang kaakibat nitong mga risk para sa individuals and professionals sa iba’t-ibang field para tulungan tayong i-navigate ang AI landscape effectively.

Kaabang-abang ang mga susunod na kabanata sa mundo ng AI, ano Suki?

Kasing exciting ng Eat Bulaga ang mga AI happenings e 😂

🥳 HETO ANG SMART CHIKKAS FOR THIS WEEK:

🗂️ 3 AI Tools para mas maging productive ka

🤖 2 AI news you can’t miss!

🧠 1 Prompt: Create custom legal waivers

🧘🏻‍♀️ AI doctor better at predicting patient outcomes

🎥 Show recommendation para makapagrelax ka sa weekend

  SUKI PICKS Top recommendations to help you live a smarter life

🗂️ 3 AI Tools para mas maging productive ka

Gumawa ng mala-Atty Woo Young-Woo outputs using these tools:

  1. LegalMation - Kayang mag-automate ng tool na ito ng mga legal document drafting and routine litigation tasks using AI.

  2. AILawyerPro - Ito ang parang Public Attorney’s Office (PAO) counterpart mo, pero in AI form. Hindi na kailangan ng expensive meetings, pumila ng mahaba, or kahit anong complex legal documents. This tool can provide expert legal assistance whenever and wherever you need it.

  3. Legalese Decoder - Kung na-nonose bleed ka sa mga complex legal terms, here’s the tool for you. Kaya nitong mag-transform ng mga legal documents into plain language instantly, para mas madaling maintindihan.

🤖 2 Latest chikka sa mundo ng AI

Take a guess kung ano ang mas mainit pa sa mainit na kape?

🧠 1 Prompt: Create custom legal waivers

Helpful prompt for lawyers!

Kapag mag-da-draft ng legal forms, demand letters, consent forms, or liability wavers, siyempre ayaw natin ng generic.

Kung gusto mong makagawa ng effective at efficient na legal assistance from scratch, use this ChatGPT prompt:

“Create a non-disclosure agreement for [business name] to protect its [specific type of information] with the following key provisions: [list key provisions].“

Want to get The Only ChatGPT Prompts Guide You’ll Ever Need?

We got you!

Mag refer ka lang sa newsletter natin ng at least 1 friend (using this special link) and I’ll send over the guide (once they confirm).

Tip: Ask your friends to enter their email and then click “confirm subscription” sa inbox nila. Kapag di nila cnlick, hindi siya magwwork eh. Salamat!

🙋🏻‍♀️ PULSO NG ‘MOSA Smart chismosa, that’s right. That’s us.

Do you know what Leonardo di Caprio, Ashton Kutcher, and Robert Downey Jr. have in common?

Well aside from they’re all Hollywood actors, guess what?

Nag-invest silang tatlo sa AI!

More and more people are seeing a world complimented by AI.

By now medyo aware na rin tayo sa capacities ng AI kaya importanteng alam din natin kung paano ito gamitin responsibly, Suki.

Pakisagot naman itong mini poll to see how you’re faring as an AI user:

By the way, dating gawi. Stay tuned after this section dahil isshare ko naman ang mga lifestyle discoveries ko lately.

Alright, isasara ko na ang tindahan so see you ulit next Thursday! Thank you for reading!

— Tita Sissy (@NotTitaSissy)

🧘🏻‍♀️ SUKI HACK To help you improve your mind, body, and soul.

No more Doctor Quak Quak with AI.

😇 FAVE SUKI OF THE WEEK Inspiring suki(s) making an impact in the community

May kilala ka bang Virtual Assistant o VA na natatakot na baka mawalan siya ng work dahil sa AI? Here’s a good video to see.

Find out kung anong tingin ni Kuya Jib about AI and learn strategies para di mapag-iwanan ng ating non-human competitor.

🎥 SHOW RECOMMENDATION Heads up, weekend na!

Suki, napanood mo na ba ang Her (2013) starring Joaquin Phoenix?

Ito ay tungkol sa isang solitary writer na nakabuo ng kakaibang bond with an operating system na ginawa to fulfill his every desire.

Ang chikka, ito raw ang sagot ng director na si Spike Jonze sa “Lost In Translation” movie ng kanyang ex wife na si Sofia Coppola.

So, i-grab mo na ang popcorn and enter the captivating world of AI-human relationships with 'Her'!

📸 AI GENERATED IMAGE OF THE WEEK