- Sari-Sari Stories
- Posts
- Threat or Treat: Does the Benefit of AI Outweigh its Risks?
Threat or Treat: Does the Benefit of AI Outweigh its Risks?
The Sari-Sari Stories Issue #10
New Arrival sa Ating Tindahan, mga Suki!
Mga suki, heto na naman tayo! 🎉
Excited na naman akong i-share sa inyo ang mga bago at mainit-init pang balita, guides and tools mula sa mundo ng AI! 🚀
Handa ka na bang i-level up ang iyong skills at kaalaman? Tara’t pagusapan at tuklasin natin ang mga bagong pasabog sa ating tindahan! 😂
Scroll down na at maki-join sa ating kwentuhan! 💬
🍎FRESH ITEMS SA SARI-SARI STORIES
💻3 Discounted AI Tools: To supercharge your productivity as a freelancer and student.
📰 2 New in Stock AI-related news: Hot and fresh from the world of AI.
📚 Buy One, Take One Info and Guide: To help you navigate the world of AI.
💻 3 Discounted AI Tools: To supercharge your productivity as a freelancer and student
1. Newbies Section
Gusto mo bang matuto about AI? Check out this free course sa edX by IBM! Perfect 'to for newbies na gustong ma-master ang basics ng Artificial Intelligence. Tara at mag-learn tayo together so we can start applying it to make our life easier. 😊
Dali na enroll ka na free lang yan kaya sulitin mo na! 😉
2. Student Section
Estudyante ka ba na naghahanap ng mas madali at efficient na paraan para sa iyong research? Subukan ang ResearchRabbit! 🐰
Ang AI tool na ito ay parang Spotify para sa iyong mga research papers. Makakatanggap ka ng personalized recommendations, makikita ang connections ng mga authors, at marami pang iba.
Mag-sign up na and let's make research more fun and insightful! 💡
3. Freelancer Section
End of the work week na naman bukas, so it’s the time to create a weekly report, presentations or documents for some of your clients. Nakakstress di ba? Oo aminin mo, alam ko yan. 🤭
But now you can upgrade, save yourself some time and leave the stress at the door by making this thing 11x faster!
Bongga di ba? Try mo na bilis para may extra day for weekend to relax and unwind ka. 😎
📰 2 New in Stock AI-related news: Hot and fresh from the world of AI
Narito na ang mga pinakabagong AI-related news na dapat ninyong malaman ngayong linggo! 😊
AI- powered Disaster Tool from Japan nasa Pilipinas Na!
Mga suki, may exciting news tayo! Isang Japanese startup, kasama ang Spectee Inc. at JICA, ay nag-launch ng bonggang AI-based disaster management tool dito sa ating bansa.
Ang Japan International Cooperation Agency (JICA), ay naniniwala na malaki ang maitutulong ng AI sa ating lipunan. Kaya naman, excited sila na ipakita sa atin ang galing ng Japanese digital innovations sa disaster management.At alam nyo ba? Ginagamit na ito ng mga government organizations at news outlets sa Japan!
Parte ito ng programa ng JICA na nagpo-promote ng Japanese innovations sa mga partner countries nila, kagaya natin.
🔍 Ano ang Special dito?Real-time Info: Sa panahon ng emergencies, makakakuha tayo ng agad-agad na impormasyon para masiguro ang kaligtasan natin.
Smart Decisions: Gumagamit ito ng data mula sa social media para mag-decide, pero may human verification pa rin para sigurado.
Stay Updated: May dashboard, smartphone notifications, at email alerts para updated ka always.
Visual Insights: Makikita mo ang sitwasyon gamit ang data mula sa social media, klima, camera, at traffic.
Laban sa Fake News: May features ito para i-check ang credibility ng info.
Ang galing, 'di ba? Mas mapapadali at mapapahusay ng AI tech na ito ang disaster management natin. Sana nga…
More info here…
Next interesting chikka?
AI has 'great potential' for PH businesses, says IT firm
Last week pinagusapan natin ang posibleng threat ng AI sa ating mga Pilipino dahil sa kakulangan ng skills at education, ngunit para sa IBM Philippines, isang IT firm, ang Artificial Intelligence (AI) ay may malupit na potential para sa mga negosyo dito sa Pilipinas. Here’s why:
🔍 Bakit Dapat Tumutok sa AI?Efficiency: Dapat nating pag-isipan ang paggamit ng generative AI para sa data processing at content curation.
Kasama, Hindi Kalaban: Ang AI, designed para maging partner ng human intelligence, hindi para palitan tayo.
Sectors na Makikinabang: Mga industriya tulad ng BPO, Fintech, agrikultura, edukasyon, HR, at transportasyon, malaki ang maitutulong ng AI.
Para sa SMEs at Startups: Ang generative AI, solusyon sa mga challenges at makakabuti sa processes.
Disaster Management: Pwedeng gamitin ang AI sa pag-handle ng disasters at pag-communicate ng risks, lalo na sa climate resilience.
⚠️ Mga Challenges sa AI Adoption:
Barriers: Kailangan natin harapin ang challenges sa skills, technology, at trust.
Customer Confidence: Mahalaga ang tiwala ng customers sa technology, kaya dapat malinaw ang data ownership at processes.
Upskilling: Pag may reliable na AI, mas maraming opportunities para sa workforce natin na mag-upgrade ng skills.
Agree ka ba suki na AI should be seen as treat rather than a threat? Hmmm…
More info here…
📚 Buy One, Take One Info and Guide: To help you navigate the world of AI
Last week, we talked about the urgent need for improving the education and skills of students to make them equipped for the rising global competition, especially now that AI is becoming a trend. Nakita mo na ba? Kung hindi pa, check it out here, suki!
Mga suki, habang binabasa natin ang mga bago sa mundo ng AI, naisip nyo ba kung ito ba ay threat o treat sa ating buhay? Sa dami ng mga bonggang AI tools at innovations na dumadating, madali nating masabi na treat ito.
Sa aking personal na pananaw, oo, maraming benefits ang AI. Mas pinapadali nito ang ating trabaho, nagbibigay ito ng mga solusyon sa mga problema na dati ay mahirap malutas, at nagpapabilis sa mga proseso sa industriya. Pero, teka muna, hindi ba't may mga risks din ito?
Nakakabahala kasi na habang lumalawak ang kapangyarihan ng AI, mas marami rin itong access sa ating personal na impormasyon. Paano kung gamitin ito laban sa atin? Paano kung mawalan tayo ng trabaho dahil sa automation? At higit sa lahat, paano kung mawala na ang human touch sa mga bagay-bagay?
Hindi ko sinasabing masama ang AI. Ang point ko lang, dapat tayong maging responsable, mapanuri at maingat sa paggamit nito. Kailangan nating tanungin: Hanggang saan ba natin ito papayagan? Saan natin ilalagay ang boundary?
Sa huli, nasa ating mga kamay ang desisyon. Threat o treat, ikaw, ano sa tingin mo?
And hey, don't forget to follow us on our social media channels for more AI news, tips, and updates.
Like our Facebook page, follow us on Twitter and Instagram. Your support means the world to us and helps us continue our mission.
Salamat sa inyong walang sawang suporta, mga suki! Mwah!
— Tita Sissy (@NotTitaSissy)
Want to get The Only ChatGPT Prompts Guide You’ll Ever Need?
We got you!
Mag refer ka lang sa newsletter natin ng at least 1 friend (using this special link) and I’ll send over the guide (once they confirm).
Tip: Ask your friends to enter their email and then click “confirm subscription” sa inbox nila. Kapag di nila cnlick, hindi siya magwwork eh. Salamat!